Kwento buhat sa Mt. Manabu: Ang Sikreto ni Tatay Peryeng!

30 Aug

Tatay Peryeng of Mt. Manabu

Cipriano Miranda aka "Tatay Peryeng"

Kung isa kang mamumundok o mountaineer marahil ay kilala mo na si Tatay Peryeng. At kung hindi naman alam kung sabik ka ng makilala sya ng personal dahil nahihiwagaan ka kung bakit kilalang kilala sya. Noong nakaraang Marso ng taong ito nabigyan ako ng pagkakataong makadaupang palad si Tatay, at bunsod pagkakakilalang ito ang pagkamangha at pagkabuo ng kanyang Facebook Page.

Batid ko kasi na hindi lamang ako at sampu ng aking mga kasama ang nagnanais na maibahagi ang mga karanasan nila kasama si Tatay kaya naman nabuo ang page na ito. Sa kabutihang palad ang nasabing page maging ang naunang blog na aking nalikha ay naging daan upang maibahagi ko sa iba ang kabutihan ni Tatay.

Ang tuktok ng Mt. Manabu

Ang tuktok ng Mt. Manabu

At nitong buwan ng Agosto muli naming binisita si Tatay upang malaman ang kanyang kalagayan at upang ipaabot sa kanya ang hangarin naming tumulong upang maipaggamot ang kanyang mga mata. Sa aming pagbisita, napag-alaman naming may isang grupo na pala ng mga mountaineers na may busilak ang puso ngunit hindi nagpakilala ang nagdala kay Tatay sa Cavite upang macheckup ang kanyang mga mata.

Tatay Peryeng of Mt. Manabu

Binisita namin si Tatay sa kanyang tahanan sa baba ng Mt. Manabu

Hindi man nagtagumpay ang aming misyon, kami naman ay lubos na nasisiyahan at nagpapasalamat sa naunang grupo. Naniniwala kami na ang pagtulong ay hindi nausukat sa “Una-unahan” o “Pasikatan”. Ang tunay na halaga nito ay ang makita ang katagumpayan ng taong natulungan :)

Sa ikalawang pagkakataon na ako’y makapagsulat hingil kay Tatay nais ko namang ibahagi sa inyo ang mga sikreto ni Tatay.

Bakit nga ba maraming nag-mamahal sa kanya?
Bakit matunog na matunog ang kanyang pangalan sa mga mountaineers?
Sinu nga ba ang totoong Tatay Peryeng?

Cipriano Villanueva Miranda ang tunay na pangalan ni Tatay. Ipinanganak sya sa Talisay Lipa Batangas noong Octobre 3, taong 1954. Ang kanyang ama ay si Candido Miranda (pumanaw na) at ang kanya namang ina ay si Eugenia Villanueva Y Miranda.

Si Tatay ay ika-pito sa labing-isang magkakapatid: <1>Nanay Luz , <2>Nanay Ade, <3>Nanay Daling,<4>  Nanay Bening, <5>Tatay Sano, <6>Nanay Amy, <7>Tatay Peryeng,<8>Tatay Poli, <9>Tatay Emil, <10>Tatay Tino, at <11> Kuya Totoy.

Si Kuya Totoy ang kanyang asawa at si Tataty Tino
Si Kuya Totoy, ang kanyang asawa at si Tataty Tino

Si Tatay sampu ng kanyang mga kapatid ay nanirahan na sa kanilang kubo sa taas ng Mt. Manabu simula pa ng kanilang pagkabata. Nakagawian na nilang umakyat ng bundok tuwing walang pasok upang mag-asikaso ng kanilang taniman.

Ang Pawid ni Tatay, madadaanan mo bago makarating sa tuktok ng Mt. Manabu
Ang Pawid ni Tatay, madadaanan mo bago makarating sa tuktok ng Mt. Manabu

Ayon sa aming panayam kay Nanay Eugenia ang kanyang ina, noong elementarya si Tatay ay aksidenteng nalagyan ng buhangin ang kanyang kanang mata habang nakikipaglaro sa dagat kasama ng kanyang mga kaibigan. Simula noon lagi na nyang dinadaing ang pagsakit ng kanyang mata. Sa kasalukuyan ay hindi na nakakita ang kanan niyang mata at ang kaliwa naman ay kinain na ng katarata.

Si Nanay Eugenia, and butihing ina ni Tatay Peryeng 69 na taong gulang, napakasigla at naka-aakyat pa ng Mt. Manabu
Si Nanay Eugenia, and butihing ina ni Tatay Peryeng 96 na taong gulang, napakasigla at naka-aakyat pa ng Mt. Manabu

Ngunit sa kabila nito’y hindi pa rin naging hadlang ang kanyang kapansanan upang ipagpatuloy ang kanyang masidhing kagustuhang tumulong sa mga taong dumadaan sa kanyang pawid, kabilang na ang mga mountaineers na nagiging mga kaibigan  na ni Tatay.

Napag-alaman ko ring mag-isang binibitbit ni Tatay ang mga container na may lamang inuming tubig upang ipamahagi sa mga mountaineers, gayon na rin ang personal na pagtitimpla ng kapeng barako. At ang labis kung ikinamamangha ay ang hindi nya pagtanggap ng kahit katiting na salapi kapalit ng kanyang pagod o kahit pambili lamang ng asukal para sa kape.

Noong kami ay dumalaw sa kanyang pawid hindi man namin inabutan si Tatay, ngunit naramdaman pa rin namin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ni Kuya Totoy ang bunso nyang kapatid. Na pinagbilinan pala nyang maging kahalinhinan sa pagtanggap ng mga bisita sa bundok.

Si Ivy ang bunsong anak ni Kuya Totoy, nagmana sa kanyang Tiyuhin isa ring mahiyain
Si Ivy ang bunsong anak ni Kuya Totoy katulad ng kanyang tiyuhin ay isa ring mahiyain

Hindi lamang pala si Tatay ang may labis na pagananais na tumulong, napag-alaman kung ang ganitong kaugalian ang dumaloy na sa buo niyang pamilya.

Ayon kay Kuya Totoy bata pa man si Tatay Peryeng  ay sadyang matulungin na maging sa kanyang mga kapatid.

Alam nyo bang lingid sa kaalaman ng mga nakararami mahilig palang tumugtog ng gitara si Tatay. Paborito nyang tugtugin ang kundiman. Hmmm nakakatuwa namang makita si Tatay na tumutogtog <klasik kung baga>.

Akala ko noong una’y Ermitanyo si Tatay, ngunit pinili pala nya na pirmihang manirahan sa bundok dahil sya ay mahiyain, mas nais nya ang payak na pamumuhay at tahimik na lugar.

Salat man sa materyal na bagay, simple man ang kanilang buhay makikita ko pa rin kay Tatay maging sa kanyang pamilya ang tunay na kasiyahan. Naitanong ko sa aking sarili paano nila nagagawang maging masaya gayong wala namang masilayang karangyaan sa ganoong klaseng pamumuhay?

Hindi lamang basta simpleng tasa :).

Hindi lamang basta simpleng tasa :).

Habang kausap ko si Tatay, ang kanyang mga kapatid at si Nanay Eugenia unti-unting nasagot ang aking katanungan. Ang hindi paghahangad ng HIGIT pa sa araw-araw na biyayang ibinigigay ng Maykapal o tinatawag  na pagiging - KUNTENTO  sa buhay ang tunay sikreto upang makamit ang KASIYAHAN.

Walong letrang-salita, marahil akala mo’y napakadaling gawin. Ngunit ang modernong mundong ating iniikutan sa ngayon ay ginagawang KUMPLEKADO ang salitang ito. Aaminin ko, kabilang ako sa mga taong madalas makalimot sa kahulugan ng salitang ito.

Ang pamosong KAPE ni Tatay, may sangkap ng pagmamahal

Ang pamosong KAPE ni Tatay, may sangkap ng pagmamahal

Sa tuwing naalala ko ang paguusap namin ni Tatay napapangiti ako. Naalala ko ang isang kasabihan “Two people can look at the exact same thing and see something totally different“. Kung tutusin higit na mayaman si Tatay kaysa sa sinuman sa atin dahil ang kayamanan na mayroon sya at hindi manakaw ninuman :)

Sa ngalan po ng kabuuhan ng lahat mga mountaineers SALAMAT po ng marami Tatay Peryeng hangad po namin ang matagumpay na operasyon ng inyong mata at agarang pag-galing nito.

Mabuhay po kayo Tatay Peryeng at nawa’y dumami pa ang katulad ninyo!

About these ads

6 Responses to “Kwento buhat sa Mt. Manabu: Ang Sikreto ni Tatay Peryeng!”

  1. Sony Fugaban August 31, 2011 at 2:49 pm #

    Thank you for sharing the info about Tatay Peryeng – one of the many unsung heroes I recognized. I actually made a blog post for him too, and if you want to read it (just in case you have time), here’s the link:

    http://yobynos.wordpress.com/2011/03/30/coffee-break-at-the-hut-of-mt-manabus-keeper/

  2. ogie sj August 31, 2011 at 8:36 pm #

    salamat sa makabuluhan at makulay na pagsalaysay ng buhay ni tatay..

  3. Matthew Carag August 31, 2011 at 9:28 pm #

    Long Live Tatay Peryeng!

  4. freeclimbers September 28, 2012 at 10:17 pm #

    hands down for Tay Pirying..last time na bumisita ko (April 2012) si Mang Tino ang nakita ko. Wala akong naririnig na balita tungkol kay Tatay. BTW, ang ganda ng post mo. Keep it up

  5. diane June 19, 2013 at 9:25 am #

    thanks poh x mga taong nag aalala kay tatay xna long life pa kay tatay at god bless poh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 191 other followers

%d bloggers like this: