img_9539

Si Mang Peryeng at ang kanyang kapeng barako!


 

Sa tuwing hihigupin ko ang ang kape naalala ko si Mang Peryeng. Si Mang Peryeng ay mahigit dalawang (2) dekada ng naninirahang magisa sa itaas ng Mt. Manabu.Saludo ako kay Mang Peryeng halos apat na taon na akong umaakyat ng mga bundok at marami na rin akong nakilalang mga lokals, pero naiiba si Mang Peryeng. Sa kabila ng kasalatan sa salapi buong puso niyang ibinabahagi ang kanyang mainit na barakong kape sa bawat mountaineers na dumaraan sa kanyang bahay.

img_9385Nang makikilala ko si Mang Peryeng maraming tanong na naglalaro sa isipan ko: Bakit nga ba nya piniling mamuhay mag-isa sa bundok na ito? Bakit hindi sya nag-papabayad sa mga mountaineers katulad ng iba, gayung sya ang ang naglilinis at nagpapanatili sa kagandahan ng kabundukan ng Manabu?Nakipagkwentuhan ako kay Mang Peryeng at isa sa mga naibahagi nya ay kanyang buhay-pagibig. Binata pa pala si Mang Peryeng at mayroon palang kasintahan subalit hindi sila nagkatuluyan. Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit sya namuhay mag-isa sa kabundkan?😀

Isa rin sa hindi ko malilimutang karanasan habang nasa tahanan ni Mang Peryeng ay ang simbolong nakasabit sa kanyang pader. Bukod sa mga parangal at larawan ng ibang mga mountaineers, isang kakaibang bagay ang nasipat ng aking lente.

img_9387
“mga larawang nakasabit sa dingding”

img_9386 img_9383

At dahil nga mahilig ako sa kape humingi kami ng kape-seedling sa bakuran ni Mang Peryeng at agad naman kaming pinagbigyan. Hiling ko sana sa susunod naming pag-akyat ay magkaroon ng proyekto ang mga mountaineers upang ipagamot ang mata ni Mang Peryeng na mayroong katarata.

img_9546

Sa aming pagbaba at pag-uwi sa aming mga tahanan dala-dala namin ang alala ni Mang Peryeng. Ang kanyang napakasarap na kape at ang kanyang mga ngiti at kwento. At dahil fans ako ni Mang Peryeng gusto kung ipamalita sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya na maari ninyong ibahagi ang inyong mga kwento at personal na karanasan sa kanyang FP Page🙂

One thought on “Si Mang Peryeng at ang kanyang kapeng barako!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s