img_2414

Kwento buhat sa Mt. Batulao: Ang mga ngiti ng aming kaibigang si Joselito


Nakilala namin si Joselito ang labing-isang taong bata na nagturo sa amin kung paanong maging masaya sa kabila ng kahirapan ng buhay. Habang kami’y naglalakad nakita ko sa kanya ang pag-asa, ang isang pangarap, ang pagmamahal.

img_2433
Bakit ka mahiyain?

Anim na magkakapatid sina Joselito, sya ang pang-apat bago ang bunso. Sa halip na maglaro dahil bakasyon naman nakikipag-unahan syang lapitan ang mga taong naghahanap ng guide patungo sa Mt. Batulao. Tuwing bakasyon lamang pinapayagang umakyat si Joselito, ayon sa kanya kapag pasukan sya at ang kanyang mga kapatid ay nagtatanim naman ng gulay.

img_2388
Mt. Batulao Trail

Tinanong namin sya kung magkano ang pag-guide, nagulat ako ng sabihin nyang kahit magkano po. Sa tinagal tagal ko ng umaakyat ng bundok ngayon lamang ako nakatagpo ng isang guide na hindi naniningil ng mahal. Sinubukan namin syang biriuin: “kahit 50pesos payag ka” at tumango sya ng may kasamang ngiti.

Maliksing bata si Joselito at hindi mawawala sa kanyang labi ang salitang opo. Sa tuwing kami’y magtatanong pawang katapatan ang kanyang sagot dahil marahil sa kanyang pagiging bata.

Parang laro lamang nyang binagtas ang daan patungo sa tuktok ng bundok samantalang nauubos na ang aming mga lakas dahil sa init ng araw. Kapag napapalayo na kami sa kanya, sya’y humihinto at kami’y binabalikan.

img_2359
Ang sarap siguro tumira dito sa bundok.

Binigyan ko ng isang bote ng mineral si Joselito na kanya namang tinitipid inumin… nakakatuwa sa isang munting bagay alam nya ang kahalagahan ng bawat patak ng tubig. Joselito sabi ko may baon pa tayong Gatorade wag mong tipidin yan sasalinan ko ang bote mo mamaya. Sumunod nga ang bata, ngunit ng masalinan ang kanyang bote ay agad nya itong ibinulsa.. hangang sa kami’y makabalik sa bayan hindi nya ito ginalaw… naisip ko nais nyang ipatikim ito sa kanyang malilit pang kapatid.

img_2384
Nakatsinelas ka lang pero ang liksi at bilis mo hindi kita mahabol Joselito.

Alam kong ang 100pesos na kinita ni Joselito ng araw na yaon sa kanyang pag-guide ay napakalaking halaga na para sa kanya. Kung sa ati’y pang-starbucks lamang iyon tiyak kong para sa kanya’y pambili na iyon ng kanilang hapunan.

Lubos akong natuwa sa kagandahan ng Mt. Batulao ngunit mas natuwa akong makilala ang isang batang katulad ni Joselito. Hindi nya alam ang dota, wala rin syang cellphone o PSP ngunit masaya pa rin syang bata.

Babalik ako sa lugar na ito, gusto ko uling makaka-kwentuhan si Joselito.

Tignan ang buong album dito.

2 thoughts on “Kwento buhat sa Mt. Batulao: Ang mga ngiti ng aming kaibigang si Joselito

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s